English Español Tagalog (Pilipinas)

Division of Federal Employees' Compensation (DFEC, Dibisyon sa Pederal na Kompensasyon ng mga Empleyado)

Paano ko isusumite ang aking sulat (bukod sa iba pang mga claim sa pagbabalik ng ibinayad at mga form ng claim)?

Ang sulat na partikular sa kaso bukod sa mga claim sa pagbabalik ng ibinayad at mga claim form ay maaaring ipadala sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311 o i-upload sa kaso sa elektronikong paraan sa website ng ECOMP. Para i-upload ang mga dokumento, tulad ng rutinaryong sulat, mga medikal na ulat o iba pang dokumentasyon, kailangan mong ilagay ang numero ng kaso at apelyido, petsa ng kapanganakan at petsa ng pinsala ng claimant. Makukuha ang tutorial na may mga detalyadong instruksyon sa pag-upload ng mga dokumento sa seksyon na Help (Tulong) sa home page ng ECOMP.

Mangyaring huwag magpadala ng mga CD, Flash Drive, DVD, o iba pang elektronikong media.  Hindi namin maa-access ang mga ito para sa mga dahilang panseguridad. I-print at ipadala o sundin ang mga instruksyon sa pag-upload ng mga dokumento sa ECOMP.

Ang mga medikal na bayarin ay dapat isumite nang direkta sa OWCP ng medikal na provider na nagsagawa ng serbisyo. Makukuha ang mga detalyadong instruksyon sa pagsusumite ng mga pahayag ng bayarin ng mga medikal na provider.

Nalaman ko lang na hindi ninyo aawtorisahan o babayaran ang paggamot/gamot na inireseta ng aking doktor. Ano ang gagawin ko ngayon?

Iniuutos sa Federal Employees' Compensation Act (Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado) na bigyan ng OWCP ang napinsalang manggagawa ng mga serbisyo, kasangkapan, at supply na isinusulat ng kuwalipikadong doktor na itinuturing ng OWCP na malamang na "pagalingin, bigyan ng ginhawa, bawasan ang kalubhaan o panahon ng kapansanan, o tumulong sa pagbawas ng halaga ng buwanang kompensasyon." Kapag natanggap ang kahilingan para sa medikal na awtorisasyon, ang hiniling na paggamot o gamot ay rerepasuhin para mapagpasyahan kung karaniwang naaangkop na gamutin ang diagnosis na tinanggap bilang nauugnay sa trabaho. Ang ilang medikal na serbisyo ay kailangang maaprubahan nang rutinaryo, kabang ang iba ay nangangailangan ng pagrerepaso ng claims examiner (tagasuri ng mga claim).

Kung ang hiniling na medikal na procedure, aparato o gamot ay hindi pinahihintulutan para sa tinanggap na diagnosis na nauugnay sa trabaho, ngunit pinaniniwalaan ng doktor ng napinsalang manggagawa na kailangang gamutin ang napinsalang manggagawa, dapat magsumite ang provider ng medikal na dokumentasyon para marepaso ng claims examiner. Gaya ng anumang ipinapadala sa OWCP, mangyaring siguraduhing isama ang numero ng claim/kaso ng napinsalang manggagawa sa bawat pahina. Ang dokumentasyon ay maaaring ipadala sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8300, London, KY 40742-8300 o i-upload sa kaso sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng ECOMP.

Paano ko malalaman ang status ng kahilingan para sa medikal na awtorisasyon, bayarin, o claim para sa pagbabalik ng ibinayad?

Ang mga Napinsalang Manggagawa, Provider, at Nagpapatrabahong Ahensya ay maaaring tingnan ang status ng bayarin at pagbabalik ng mga ibinayad sa Portal ng Pagpoproseso ng Bayarin ng OWCP. Para makipag-usap sa Kinatawan ng Serbisyo sa Customer tungkol sa bayarin o pagbabalik ng ibinayad, maaari kang tumawag sa 844-493-1966, nang walang bayad. Matatawagan ang numerong ito ng Lunes – Biyernes, 8am – 8pm, EST.

Paano ko malalaman kung anong mga kondisyon ang tinanggap ng OWCP sa aking claim?

Habang kasama sa paunang liham ng pagtanggap ang impormasyong ito, ang mga claim ay madalas na inia-update para isama ang iba pang mga kondisyon. Makukuha rin ang impormasyon na ito sa Portal ng Pagpoproseso ng Bayarin ng OWCP. Maaari kang mag-log in sa pamamagitan ng pag-click sa FECA/Claimant. Mula roon, ilalagay mo ang numero ng iyong kaso, petsa ng kapanganakan, at petsa ng pinsala. Sa oras na mag-log in, maaari mong i-click ang link na "Eligibility and Accepted Conditions" ("Pagiging Karapat-dapat at mga Tinanggap na Kondisyon") para ma-access ang listahan ng mga tinanggap na kondisyon. Maaari mong tulungan ang iyong provider sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng listahan ng mga tinatanggap na kondisyon para sa iyong claim at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyong provider kung paano ia-access ang impormasyong ito online.

Habang naka-log in sa Portal, maaari mong i-access ang Claimant Query System (CQS, Sistema sa Pagsasaliksik ng Claimant) sa pamamagitan ng pag-click sa link na "CQS" na nagpapahintulot din sa i yong tingnan ang mga tinanggap na kondisyon para sa iyong kaso, pati na rin ang impormasyon sa status ng kaso at kabayaran sa kompensasyon at pagsubaybay ng claim.

Sa tingin ko ay kailangang idagdag ang iba pang mga diagnosis bilang mga tinanggap na kondisyon sa aking claim. Ano ang dapat kong gawin?

Kung naniniwala ka na ang karagdagan o naiibang mga kondisyon ay nangangailangan ng pagtanggap ng iyong claim, mangyaring bigyan ang OWCP ng medikal na dokumentasyong sumusuporta sa pagpapalawak ng claim para marepaso ng claims examiner. Gaya ng anumang ipinapadala sa OWCP, kailangang kasama sa medikal na dokumentasyong ito ang numero ng claim/kaso sa bawat pahina at maaaring maipadala sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8300, London, KY 40742-8300 o i-upload sa kaso sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng ECOMP.

Anong form ang isusumite ko para maibalik ang aking ibinayad sa pagbiyahe papunta at mula sa aking mga medikal na appointment?

Kumpletuhin ang OWCP-957A "Medical Travel Refund Request – Mileage" ("Kahilingan para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Medikal na Pagbiyahe – Milyahe") kung ikini-claim mo lang ang pagbabalik ng ibinayad sa milyahe. Kumpletuhin ang OWCP-957B “Medical Travel Refund Request – Expenses” ("Kahilingan para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Medikal na Pagbiyahe – Mga Ginastos") kung ikini-claim mo ang pagbabalik ng ibinayad para sa iba pang mga ginastos sa pagbiyahe bukod sa o sa halip na milyahe. Makukuha ang mga form na ito sa Portal ng OWCP sa Pagproseso ng Medikal na Bayarin o sa page ng FECA Forms. Isulat ang numero ng iyong claim sa OWCP sa kanang panig sa itaas ng form.

Ipadala ang nakumpletong OWCP-957A at mga B form sa:

U.S. Department of Labor
OWCP/DFEC
PO Box 8300
London, KY 40742-8300

Paano maibabalik ang ibinayad ko na mula sa bulsa para sa mga inawtorisahang paggamit, mga gastos sa parmasya/mga gamot, medikal na kasangkapan, o medikal na supply para sa pinsalang nauugnay sa trabaho?

Ang pagbabalik ng ibinayad para sa mga gastos sa parmasya/mga gamot, medikal na kasangkapan at supply, at mga serbisyong medikal, pang-operasyon, at para sa ngipin ay maaaring i-claim gamit ang Form OWCP-915 "Claimant Medical Reimbursement Form" ("Form ng Pagbabalik ng Ibinayad sa Medikal na Gastusin ng Claimant"). Makukuha rin ang form na ito sa Portal ng Pagpoproseso ng Bayarin ng OWCP. I-click sa mga Mapagkukunan – Link sa "Mga Form at Sanggunian". Ilagay ang bawat petsa ng serbisyo sa hiwalay na linya. Kung humihiling ka ng pagbabalik ng ibinayad para sa co-pay, isulat ang Co-Pay sa patlang na "Description of Change" ("Paglalawaran sa Singil"). Gamitin ang hiwalay na form para sa bawat provider na binayaran mo. Huwag paghaluin ang mga inireresetang gamot at pagbisita sa tanggapan sa parehong form.

Ang claim sa pagbabalik ng ibinayad para sa mga medikal na serbisyo, serbisyo sa operasyon, medikal na kasangkapan, o medikal na supply ay kailangang masamahan ng kopya ng OWCP-1500/HCFA-1500 "Health Insurance Claim Form" ("Form ng Claim para sa Segurong Pangkalusugan") na nagpapakita ng mga indibidwal na singil at nilagdaan ng medikal na Provider.

Ang claim para sa pagbabalik ng ibinayad para sa mga gastos sa parmasya/mga gamot ay kailangang samahan ng kopya ng Universal Claim Form o iba pang pahayag ng parmasya na nagpapakita ng pangalan ng gamot, NDC code, dami ng ibinigay, gastos, nagreresetang doktor, at petsa kung kailan pinunan ang reseta.

Ang lahat ng kahilingan para sa pagbabalik ng ibinayad ay kailangang samahan ng katibayan ng pagbabayad – resibo ng cash, ikinanselang tseke, o resibo ng credit card.

Ipadala ang OWCP-915 at kaugnay na dokumentasyon sa:

U.S. Department of Labor
OWCP/DFEC
PO Box 8300
London, KY 40742-8300

Siguraduhing isama ang numero ng iyong claim sa BAWAT pahinang ipapadala mo.

Kung hindi babayaran nang buo ng OWCP ang singil ng aking provider, kailangan ko bang bayaran ang aking provider ng natira sa pagitan ng kung magkano ang siningil at kung magkano ang ibinayad ng OWCP?

Kung ang singil ng provider ay binawasan ng OWCP alinsunod sa iskedyul ng singil nito o iba pang mga makatuwirang pagsusuri, ang provider ay hindi pinahihintulutang singilin ka bilang claimant para sa natitira sa bayarin. Kung ang awtorisadong serbisyo ay ibinigay para sa iyong tinanggap na kondisyon na nauugnay sa trabaho, hindi ka responsable sa mga singil sa pinakamataas na halagang pinahihintulutan sa iskedyul ng singil ng OWCP. Nakasaad sa 20 C.F.R. §10.801 (d) na sa pamamagitan ng pagsusumite ng bayarin at/o pagtanggap ng kabayaran, ipinapahiwatig ng provider na ang serbisyo kung saan hinihingi ang pagbabalik ng ibinayad ay isinagawa gaya ng inilalarawan at na ito ay naging kailangan. Bukod dito, sumasang-ayon ang provider sa pamamagitan ito sa pagsunod sa lahat ng regulasyon nauugnay sa pagbibigay ng paggamot at/o proseso para sa hinihinging pagbabalik ng ibinayad para sa mga medikal na serbisyo, kabilang ang limitasyon sa iskedyul ng singil na ipinapataw sa halagang babayaran para sa mga naturang serbisyo. Tingnan din sa 20 CFR §10.813.

Sa tingin ko ay maaaring kailanganin ko ang tulong sa paggamit ng web portal. Mayroon ka bang ilang instruksyon o manwal ng gumagamit?

Oo. Pumunta sa Portal ng Pagpoproseso ng Bayarin ng OWCP at i-click ang Help link (sa kanang panig, sa itaas ng dilaw na kahon). Magbubukas ito ng Gabay sa Gumagamit.