English Español Tagalog (Pilipinas)
Pederal na Programa ng Kompensasyon ng mga Empleyado
Kahilingan para sa Akomodasyon
Matagal nang nakatuon ang Office of Workers' Compensation Programs (OWCP,Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa) sa pangangasiwa ng epektibong komunikasyon sa mga claimant at mga nagpapatrabahong ahensya tungkol sa mga desisyon at iba pang mga pagkilos sa bawat indibidwal na kaso. Alinsunod sa mga responsibilidad nito sa ilalim na naaangkop na Pederal na batas sa hindi pagdidiskrimina sa kapansanan, sa misyon nito, at sa dagdag na pagbibigay-diin sa trabaho ng mga indibidwal na may kapansanan gaya ng sumasalamin sa Executive Order 13548 (inilabas noong Hulyo 26, 2010), inilabas ng Division of Federal Employees' Compensation (DFEC, Dibisyon sa Pederal na Kompensasyon ng mga Empleyado) ng OWCP ang FECA Bulletin 12-05, Pangangasiwa sa mga Kahilingan para sa Tulong sa Komunikasyon, mga Akomodasyon, at mga Pagbabago sa Ilalim ng Pederal na Batas sa Hindi Pagdidiskrimina sa Kapansanan ng mga Claimant at ng iba pa sa Prosesong Pagpapasyahan ng Hukom sa Federal Employees' Compensation Act (FECA, Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado. Nakabalangkas sa Bulletin ang proseso ng pangangasiwa sa mga kahilingan para sa akomodasyon/tulong sa komunikasyon kabilang ang para sa mga taong may kapansanan sa paningin o pandinig.
Ang DFEC ay may nakalaan ding numero ng telepono para sa mga nangangailangan ng mga akomodasyon gaya ng nakabalangkas sa FECA Bulletin 12-05, kabilang ang mga indibidwal na ang mga kapansanan ay naglilimita sa kanilang kakayahang gumamit ng mga de-boses na telepono: 202-513-6802.
- Tandaan - Gagamitin lamang ang numero ng telepono na ito para sa mga partikular na kahilingang nauugnay sa akomodasyon na naaayon sa FECA Bulletin 12-05. Ang lahat ng iba pang mga tumatawag ay kailangang kontakin ang mga tanggapan sa pamamagitan ng itinakdang sariling-serbisyong linya para sa serbisyo sa customer sa 202-513-6860.