English Español Tagalog (Pilipinas)
Pederal na Programa ng Kompensasyon ng mga Empleyado
Mayroon din kaming mga Madalas Itanong sa aming Mga proseso ng Medikal na Awtorisasyon at Bill Pay para sa mga Napinsalang Manggagawa, Medikal na Provider, at Nagpapatrabahong Ahensya.
Napinsala ako sa trabaho. Paano ako magpa-file ng claim?
Kailangan mong kumpletuhin ang form CA-1, "Federal Employee's Notice of Traumatic Injury and Claim for Continuation of Pay/Compensation" ("Paunawa ng Pinsalang Nakaka-trauma ng Pederal na Empleyado at Claim para sa Pagpapatuloy ng Sahod/Kompensasyon") o form CA-2 "Notice of Occupational Disease and Claim for Compensation" ("Paunawa ng Sakit na Nauugnay sa Trabaho at Claim para sa Kompensasyon"). Ang pinsalang nakaka-trauma ay maaaring maiturong nangyari sa panahon ng partikular na shift sa trabaho – halimbawa ay ang pagkahulog sa hagdan. Ang occupational disease ay isang medikal na kondisyon na nabuo dahil sa mga aktibidad sa trabaho na isinagawa ng mahigit sa isang shift sa trabaho. 20 C.F.R. §§ 10.100-10.101.
Maaaring isumite ang mga form sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Employees' Compensation Operations and Management Portal (ECOMP, Portal ng mga Operasyon at Pamamahala ng Kompensasyon ng mga Empleyado). Bisitahin ang site ng ECOMP para magparehistro para sa account at simulan ang claim.
Kung magsusumite ka ng CA-2, dapat mo ring repasuhin ang naaangkop na form/checklist ng CA-35 "Evidence Required in Support of a Claim for Occupational Disease" ("Katibayan na Kailangan Bilang Pagsuporta sa Claim para sa Sakit na Nauugnay sa Trabaho"). May ilan sa mga pagdedetalyeng ito ng iba't ibang uri ng dokumentasyon na isusumite depende sa uri ng occupational disease.
Siguraduhing magtabi ng kopya ng lahat ng iyong rekord. Kukumpletuhin ng iyong ahensya ang kanilang bahagi ng CA-1 o CA-2 at isusumite ang buong packet sa tanggapan ng Office of Workers' Compensation Programs (OWCP, Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa). Ipapaalam sa iyo ng OWCP ang numero ng claim na naitakda. Rerepasuhin ng tanggapan ang impormasyong isinumite at magpapasya kung may sapat na impormasyon pagpasyahan ang claim. Kung may hindi sapat na impormasyon para pagpasyahan ang claim, padadalhan ka nila ng liham na nagpapaalam ng karagdagang impormasyon na kailangan.
May timeline ba sa paghahain ng claim?
Nakasaad sa Federal Employees' Compensation Act (FECA, Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado) na ang claim para sa kompensasyon ay kailangang mai-file sa loob ng 3 taon mula sa petsa ng pinsala. Para sa pinsalang nakaka-trauma, ang limitasyon sa panahon na naaayon sa batas ay magsisimula sa mula sa petsa ng pinsala. Para sa nakatagong kondisyon, magsisimula ito kapag nalaman ng napinsalang empleyado na may mababayarang kapansanan, o sa makatuwirang paraan ay dapat makaalam, ng posibleng ugnayan sa pagitan ng medikal na kondisyon at trabaho. Kapag ang pagkahantad sa mga tinukoy na salik ng trabaho ay nagpatuloy pagkatapos malaman ito, ang panahon ng paghahain ay magsisimula sa petsa ng huling pagkahantad ng empleyado sa mga salik na iyon. Kung hindi nai-file ang claim sa loob ng 3 taon, maaari pa ring mabayaran ang kompensasyon kung nagbigay ng nakasulat na paunawa ng pinsala sa loob ng 30 araw o kung ang employer ay may aktwal na kaalaman sa pinsala sa loob ng 30 taon pagkatapos nitong mangyari. Walang makakapagbawal sa iyong mag-file ng claim. Ang pagiging nasa oras ay pagpapasyahan ng tanggapan ng OWCP bilang bahagi ng prosesong pagpapasyahan ng hukom. 5 U.S.C. § 8122; 20 C.F.R. §§ 10.100-10.101.
Paano ko ike-claim ang kompensasyon para sa mga sahod na nawala dahil sa aking pinsala?
Kung nawalan ka ng sahod (pagkatapos ng anumang Continuation of Pay (COP, Pagpapatuloy ng Bayad) na natanggap para sa pinsalang nakaka-trauma, kung naaangkop) at nasa status na Leave Without Pay (LWOP, Pagliban nang Walang Bayad) bilang resulta ng (mga) tinanggap na kondisyon sa iyong claim, kailangan mong mag-file ng CA-7 "Claim for Compensation" ("Claim para sa Kompensasyon") sa iyong ahensya. Kung ang panahong nai-claim sa CA-7 ay hindi tulut-tuloy, kakailanganin mo ring kumpletuhin ang CA-7a "Time Analysis Form" (Form ng Pagsusuri ng Panahon"). Maaari kang mag-file ng mga form sa site ng ECOMP. Kailangan mong magbigay ng medikal na dokumentasyon na sumusuporta sa anumang mga panahon ng nai-claim na kapansanan. Kukumpletuhin ng iyong ahensya ang kanilang bahagi ng CA-7 at isumite ito at ang medikal na dokumentasyon sa OWCP. Magpapasya ang OWCP kung may sapat na impormasyon sa file para bayaran ang kompensasyon para sa mga panahong nai-claim o kung higit pang impormasyon ang kailangan. 20 C.F.R. §§ 10.102, 10.400-10.403.
Paano ko mabibili pabalik ang leave na kinuha ko para sa aking pinsala?
Kung gumamit ka ng leave para saklawin ang panahon ng kapansanan na nagresulta mula sa tinanggap na pinsala, maaari kang mag-apply sa iyong ahensya para bilhing pabalik ang iyong leave. Ang bawat ahensya ay nagtatakda ng sarili nilang mga patakaran para kung kailan pinahihintulutan nila ang leave buy back (LBB, pagbili pabalik ng leave), mga panahon para sa pagsusumite, atbp. Kung hindi pinahihintulutan ng iyong ahensya ang leave buy back, para humiling ng LBB, kailangan mong kumpletuhin ang CA-7 at lagyan ng tsek ang kahon B sa seksyon 2. Kailangan mo ring lagdaan ang form CA-7b "Leave Buy Back (LBB) na Worksheet/Sertipikasyon at Pagpili," pagkatapos itong makumpleto iyong nagpapatrabahong ahensya. Kung ang panahong nai-claim mo ay hindi tuluy-tuloy (hindi isang solidong pangkat ng mga buong araw), kailangan mong kumpletuhin ang CA-7a "Time Analysis Form". Ang bawat isa sa mga form na ito ay makukuha sa pamamagitan ng ECOMP. Kukumpletuhin ng ahensya ang kanilang bahagi at ipapadala ang mga ito sa OWCP para maiproseso. Kailangang magkaroon ng medikal na dokumentasyon sa file ng OWCP na sumusuporta sa kawalan ng iyong kakayahang magtrabaho bilang resulta ng iyong tinanggap na medikal na kondisyon para sa anumang panahon kung kailan nai-claim ang LBB.
Magbabayad ang OWCP ng kompensasyon sa 66 2/3% ng iyong sahod (kung wala kang mga karapat-dapat na dependent) o sa 75% (kung mayroon kang hindi bababa sa isang karapat-dapat na dependent), habang ang opisyal na leave ay ibinabayad sa 100% ng iyong sahod. Para mabili pabalik ang iyong leave, kailangan mong bayaran ang iyong ahensya ng natitirahang halaga sa pagitan ng kung magkano ang ibinayad sa iyo at kung magkano ang matatanggap mo para sa kompensasyon. Halimbawa, kung mayroon kang hindi bababa sa isang karapat-dapat na dependent at ang iyong sahod ay $1000 kada linggo, babayaran ka ng OWCP ng $750 sa kompensasyon ($1000 x .75) kung kumuha ka ng isang linggong leave. Para mabili pabalik ang iyong 40 oras ng leave, kailangan mong bayaran ang iyong ahensya ng $250 ($1000 - $750).
Paano ko malalaman ang tungkol sa status ng CA-7 na aking nai-file para sa kompensasyon sa pagkawala ng sahod?
Ang mga napinsalang manggagawa at ang kanilang mga kinatawan ay maaaring i-access ang impormasyon tungkol sa status ng kaso at mga kabayaran sa kompensasyon para sa nawalang sahod sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Programa ng mga Pederal na Empleyado. Ang mga napinsalang manggagawa ay dapat magkaroon ng file ng kaso na may 9 na numero o numero ng claim o numero ng social security kapag tumawag.
Ang Claimant Query System (CQS, Sistema sa Pagsasaliksik ng Claimant), na bahagi nga ngayon ng ECOMP, ay nagbibigay rin sa mga napinsalang manggagawa ng 24 na oras na pag-access sa status ng file kanilang kaso; mga natanggap na kondisyon; address na nasa rekord at; mga kabayaran at pagsubaybay sa kompensasyon.
Paano ko matatanggap ang aking kabayarang kompensasyon sa pamamagitan ng direct deposit?
Para matanggap ang mga kompensasyong kabayaran sa pamamagitan ng Elektroning Pagpapadala ng mga Pondo (EFT), mangyaring kumpletuhin ang form SF-1199a na "Direct Deposit Sign-Up Form." Makukuha ang SF-1199a sa aming page para sa mga form.
Maaari mong i-upload ang form sa iyong file sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Paano ko maike-claim ang Schedule Award?
Kapag ang napinsalang manggagawa ay permanenteng hindi na magagamit ang mga partikular na bahagi o organo ng katawan, maaari siyang humiling ng schedule award sa pamamagitan ng pagsusumite ng CA-7 Claim para sa Schedule Award at ng rating ng kapansanan na kinumpleto ng gumagamot sa kanyang doktor. 20 C.F.R. §§ 10.103, 10.404. Makukumpleto lamang ang rating ng kapansanan pagkatapos ng maisakatuparan ang pinakamalaking pagpapabuting medikal at kailangang maging alinsunod sa Ika-6 na Edisyon ng American Medical Association Guides to the Evaluation of Permanent Impairment (Mga Patnubay ng Medikal na Samahan ng Amerika sa Ebalwasyon ng Permanenteng Kapansanan), na tinutukoy ang mga naaangkop na talahanayan, at isinasaad ang petsa ng pinakamalaking pagpapabuting medikal. Ang mga rating ng kapansanan ay maaaring gawin sa pasalaysay na pormat. Walang form para makumpleto ng doktor para sa rating ng kapansanan maliban kung ang Claims Examiner (Tagasuri ng mga Claim) ay nagbigay nito bilang pagtugon sa hindi kumpletong medikal na dokumentasyon na dating isinumite.
Maaari kang mag-file ng form sa site ng ECOMP. Kukumpletuhin ng iyong ahensya ang bahagi nila at ipapadala ang CA-7 sa OWCP.
Paano pinoproseso ang Schedule Awards?
Sa oras na makumpleto ang CA-7, at natanggap, nirepaso, at napagpasyahan ng claims examiner ang rating ng kapansanan para magmukhang kumpleto, ipapadala niya ito sa district medical advisor (DMA, medikal na tagapayo ng distrito) para marepaso. Sa ilang sitwasyon, kailangang buuin ng Claims Examiner ang claim sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa claimant, employer, o sumusuring doktor para sa karagdagang impormasyon. Sa ilang kaso, kailangang mai-refer ang claimant sa pangalawang opinyon na medikal na eksaminasyon para makakuha ng kumpletong rating ng kapansanan.
Anong tanggapan ang tatawagan ko tungkol sa aking claim?
Makikita ang listahan ng mga tanggapan at ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa aming page para sa mga kokontakin.
Paano ko matututunan ang numero ng aking claim?
Kapag gumagawa ng kaso, magpapadala ng liham sa napinsalang manggagawa na may kasamang numero ng claim at pangunahing impormasyon tungkol sa mga makukuhang benepisyo. Maaari mo ring malaman ang numero ng iyong claim sa pamamagitan ng pagtawag sa tanggapan na may hurisdiksyon sa iyong claim. Ibigay ang iyong pangalan, SSN, DOB, at petsa ng pinsala. Mabibigyan ka ng tanggapan ng numero ng claim.
Kung nai-file mo ang iyong claim sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng ECOMP, makikita ang numero ng iyong claim sa iyong page ng dashboard ng empleyado sa oras na malikha ang kaso.
Kanino ako makikipag-ugnayan para sa impormasyon tungkol sa status ng aking claim sa FECA?
Ang tanggapan ng OWCP na nagseserbisyo sa iyong claim ay karaniwang pinakamainam na lugar na kokontakin kung mayroon kang mga tanong tungkol sa status ng iyong claim. Maaari mong i-upload ang liham sa iyong file sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Ang Claimant Query System (CQS, Sistema sa Pagsasaliksik ng Claimant), na bahagi nga ngayon ng ECOMP, ay nagbibigay rin sa mga napinsalang manggagawa ng 24 na oras na pag-access sa status ng file kanilang kaso; mga natanggap na kondisyon; address na nasa rekord at; mga kabayaran at pagsubaybay sa kompensasyon.
Maaari ka ring makipag-ugnayan ang tanggapan na iyo sa pamamagitan ng telepono o sa paraang nakasulat. Kapag ipinapadala mo ang dokumento sa Central Mailroom, ini-scan ang dokumento sa rekord ng kaso batay sa numero ng claim na nakasulat doon. Ang impormasyon ay ginagawang makukuha sa computer system sa claims examiner na itinalaga sa iyong claim. Sa oras na tumawag ka sa tanggapan, ididirekta ang iyong tawag sa isang indibidwal na makakatulong sa iyo sa iyong mga alalahanin.
Maaari ba akong makipag-usap sa claims examiner sa pamamagitan ng email?
Alinsunod sa patakarang itinakda ng Department of Labor (Kagawaran ng Paggawa), Office of Workers' Compensation Programs (Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa), Division of Federal Employees' Compensation (Dibisyon sa Pederal na Kompensasyon ng mga Empleyado), ang komunikasyon sa email sa mga tanong na partikular sa kaso ay hindi pinahihintulutan dahil sa mga alalahaning panseguridad. Kaya, upang maprotektahan ang mga pagkakakilanlan at personal na impormasyon ng mga claimant sa ilalim ng Federal Employees' Compensation Act at magpahintulot ng mas mabuting pagsubaybay sa mga paparating na impormasyon, hindi kami gagamit ng email sa mga claimant at kinatawan.
Para makipag-usap sa OWCP, maaari mo ring i-upload ang liham sa iyong file sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Maaari ka ring magpadala ng sulat sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311. Gaya ng anumang kasong ipinapadala mo sa OWCP, mangyaring isulat ang numero ng claim sa bawat pahina, magpadala lamang ng mga kopya walang nakasulat sa likod, at siguraduhing magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.
Mangyaring huwag magpadala ng mga CD, Flash Drive, DVD, o iba pang elektronikong media. Hindi namin maa-access ang mga ito para sa mga dahilang panseguridad. I-print at ipadala o sundin ang mga instruksyon sa pag-upload ng mga dokumento sa ECOMP.
Paano ko babaguhin ang aking address sa OWCP?
Para baguhin ang iyong address sa OWCP, maaari mong i-upload ang sulat tungkol sa pagbabago ng address sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Maaari ka ring magpadala ng nilagdaang liham/pahayag sa OWCP sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311 na ipinapaalam ang bago mong address. Hindi sapat ang pakikipag-ugnayan sa telepono para baguhin ng OWCP ang address. Isa pang katanggap-tanggap na dokumento para sa pagbabago ng address ay ang form na SF-1199a na ginagamit para pumili ng pagtanggap ng mga kabayarang kompensasyon ng elektronikong pagpapadala ng mga pondo (EFT). Gaya ng anumang kasong ipinapadala mo sa OWCP, mangyaring isulat ang numero ng claim sa bawat pahina, magpadala lamang ng mga kopya walang nakasulat sa likod, at siguraduhing magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.
Bakit napakahalaga na ang numero ng aking claim ay maisulat sa bawat pahina ng anumang ipapadala ko sa OWCP?
Kapag natanggap ang sulat sa Central Mailroom sa London, KY, ini-scan ito patungo sa naaangkop na file sa aming computer system batay sa numero ng claim na nakalista sa paparating na dokumentasyon. Kung walang numero ng claim, pagsusumikapan na malaman ang tamang claim batay sa iba pang nagpapakilalang impormasyon sa paparating na sulat. Maaaring abutin ito ng ilang panahon, at, sa maraming pagkakataon, maaaring hindi na mai-scan ang claim dahil sa kakulangan ng nagpapakilalang impormasyon. Upang matiyak na mai-scan sa iyong claim ang liham na ipinadala mo sa OWCP sa tamang oras, mahalagang mailista mo ang numero ng iyong claim sa OWCP sa bawat pahinang ipapadala mo. Siguraduhing ibigay ang numero ng iyong claim sa lahat ng panig na magsusumite ng dokumentasyon sa ngalan mo.
Anong form ang gagamitin ko para maipaalam sa OWCP na may pinangalanan akong isang indibidwal bilang aking awtorisadong kinatawan?
Walang form na ginagamit sa pagpapangalan ng indibidwal bilang awtorisadong kinatawan ng napinsalang manggagawa. Maaari mong i-upload ang liham na nag-aawtorisa sa isang kinatawan na mag-file sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Kung gusto mong magpangalan ng indibidwal (asawa, kinatawan ng unyon, abogado, atbp.) bilang iyong awtorisadong kinatawan, kailangan mong padalhan ang OWCP ng nilagdaang pahayag na nagpapangalan sa indibidwal na iyon bilang iyong awtorisadong kinatawan. 20 C.F.R. §§10.700-10.703. Kailangang ilista sa pahayag na ito ang numero ng iyong claim at dapat maipadala sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311. Gaya ng anumang kasong ipinapadala sa OWCP, kailangan mong isulat ang numero ng claim sa bawat pahina, magpadala lamang ng mga kopya walang nakasulat sa likod, at magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.
Paano ako makakakuha ng kopya aking file sa OWCP?
Maaari mo na ngayong tingnan, i-print, at/o i-save ang kumpletong kaso mo sa – ECOMP. Dito, maa-access mo ang Dashboard ng ECOMP na ibinibigay sa mga napinsalang manggagawa.
Hakbang 1 - Pagpaparehistro: Para sa tulong sa pagpaparehistro para sa account sa ECOMP, dalhin ang iyong mouse pointer sa icon na "HELP" ("TULONG") na matatagpuan sa kanang itaas na gilid ng website ng ECOMP, at pagkatapos ay i-click ang link ng "INJURED WORKER" ("NAPINSALANG MANGGAGAWA") na matatagpuan sa ilalim ng hanay na "USER GUIDES" ("MGA GABAY SA GUMAGAMIT") sa gitna.
Hakbang 2 - Pagbeberipika ng ID: Para ma-access ang impormasyon tungkol sa iyong mga claim sa FECA, kailangan mong beripikahin ang iyong pagkakakilanlan sa ECOMP pagkatapos mong magparehistro para sa account. Ang tab na "IDENTITY VERIFICATION" ("PAGBERIPIKA NG PAGKAKAKILANLAN") sa ilalim ng user guide para sa "INJURED WORKER" ("NAPINSALANG MANGGAGAWA") ay may kasamang impormasyon sa pagberipika ng pagkakakilanlan. Isang beses mo lang ito kailangang gawin. Sa oras na maberipika ang iyong pagkakakilanlan, makakapag-sign-in ka gamit lamang ang iyong username (email address) at password sa hinaharap. Ang pagberipika sa pagkakakilanlan ay naggagawad sa iyo ng access sa buong kaso mo, kaya hinihikayat ka namin na beripikahin mo ang iyong pagkakakilanlan sa ECOMP.
Paano ko hihilingin ang pagpapalit ng doktor?
Para humiling ng pagpapalit ng doktor, ibigay ang kahilingan sa paraang nakasulat, idetalye ang dahilan kung bakit gusto mong magpalit ng mga doktor, isama ang pangalan ng doktor, espesyalidad, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at lagdaan ang kahilingan. Maaari mong i-upload ang liham tungkol sa pagpapalit ng doktor sa pamamagitan ng ECOMP. I-click ang buton na "Access Case and Upload Document" (I-access ang Kaso ang I-upload ang Dokumento") at ilagay ang nagpapakilalang impormasyon para sa iyong kaso.
Maaari rin itong maipadala sa U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311. Rerepasuhin ng claims examiner ang kahilingan at ipapaalam sa iyo kung inaprubahan ang pagbabago. Gaya ng laging nangyayari, mangyaring siguraduhing isama ang numero ng iyong claim sa bawat pahinang ipapadala mo. Tatanggap ka ng nakasulat na paunawa ng pag-apruba sa iyong kahilingan.
Maaari ko bang matanggap ang mga ibinalik na kabayaran sa medikal na transportasyon at mileage sa pamamagitan ng direct deposit?
Hindi. Sa pagkakataong ito, ang mga kabayarang ito ay ipinapadala sa pamamagitan ng papel na tseke.
Ibabalik ba sa akin ng OWCP ang ibinayad ko sa tanghalian o iba pang pagkain kapag kailangan kong bumiyahe para sa medikal na paggamot?
Ibabalik ng OWCP ang ibinayad sa pagbiyahe batay sa Federal Travel Regulation (Pederal na Regulasyon sa Pagbiyahe, 41 C.F.R. 300-304). Ang pagbabalik ng ibinayad kada araw ay sakop sa Kabanata 301-11.1.c na nagsasaad na kailangan mong nasa status na bumibiyahe ng mahigit 12 oras para maging karapat-dapat para sa pagbabalik ng ibinayad kada araw (ito man ay aktwal na gastos o kada araw).
Magkano ang ibinabalik na bayad sa mileage para sa pagbiyahe sa mga medikal na appointment?
Ang ibinayad sa pagbiyahe sa mga medikal na appointment ay ibinGeneral Services Administration (GSA, Pangasiwaan ng mga Pangkalahatang Serbisyo)abalik nang ayon sa kabayarang pinagpapasyahan ng para sa mga sasakyan na pribadong pag-aari (POV). Kaya, ang halaga ng ibinalik na bayad ng OWCP ay sumasailalim sa pagbabago kung babaguhin ng GSA ang kabayarang ibinabalik para sa mileage gamit ang POV. Para makita ang kasalukuyang kabayaran sa mileage, mangyaring bisitahin ang website ng GSA.
Saan ako makakakuha ng mga kopya ng mga form ng OWCP?
Ang aming forms page ay naglalaman ng maraming form na kakailanganin mo para makapagsimula mismo. May ilang form (CA-1032, halimbawa) na inilalabas ng claims examiner. Kung pinadalhan ka ng form para makumpleto, at nawala ito, at hindi ito mahanap sa aming website para sa mga form, mangyaring tawagan ang iyong tanggapan na may hurisdiksyon sa iyong claim para humingi ng kapalit.
Bakit wala sa web ang CA-16? Paano ako makakakuha ng kopya?
Hindi makukuha ang CA-16 sa aming website dahil ginagarantiya nito ang pagbabayad sa mga medikal na gastusin. Nililimitahan namin ang pag-access sa form dahil ito ay iniisyu ng nagpapatrabahong ahensya at maaari lamang magamit sa ilang pagkakataon.
Kung ikaw ay napinsalang manggagawa, ibibigay ng iyong ahensya ang form na ito kung naaangkop.
Kung ikaw ang superbisor ng napinsalang manggagawa, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Workers' Compensation Unit (Yunit para sa Kompensasyon sa mga Manggagawa) para sa form na ito.
Kung ikaw ay bahagi ng Workers' Compensation unit, dapat ay mayroong suplay ng form na ito ang iyong Punong-Tanggapan. Kahit walang suplay, dapat ay mabigyan ka nila ng CA-16 na mapapakopya mo sa tuwing kailangan.
Ang mga awtorisadong gumagamit sa nagpapatrabahong ahensya ng Agency Query System (AQS, Sistema ng Pananaliksik ng Ahensya) ay maaaring i-access ang elektronikong bersyon ng CA-16 para mai-download sa pamamagitan ng website ng AQS.
Kung elektronikong nai-file ang Form CA-1 sa pamamagitan ng ECOMP, ang mga gumagamit sa nagpapatrabahong ahensya ay maaaring kumuha ng kopya ng Form CA-16 sa elektronikong pormat pagkatapos makumpleto ang hakbang ng pagrerepaso ng superbisor.
Nasaan ang AB-1 form na magagamit ko para mag-file ng apela sa ECAB?
Makukuha ang AB-1 form sa site ng Employees' Compensation Appeals Board (ECAB, Lupon para sa mga Apela sa Kompensasyon ng mga Empleyado). Ang form ay nasa library ng mga link sa kanang bahagi ng page.