English Español Tagalog (Pilipinas)
Ang U.S. Department of Labor (DOL, Kagawaran ng Paggawa) ay nakipagkontrata sa PMSI, LLC d.b.a Serbisyo para sa Kompensasyon ng mga Mangagawa sa Florida ng Optum ("Optum") para magbigay ng mga serbisyo ng Pharmacy Benefit Management (PBM, Pamamahala ng mga Benepisyo ng Parmasya) sa Programa ng Federal Employees' Compensation Act (FECA, Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyad). Magiging responsable ang Optum sa mga transaksyong pamparmasyutiko kabilang ang, ngunit hindi limitado sa pagpapatupad ng mga pagpapasya sa pagiging karapat-dapat sa Programa ng FECA at pagpepresyo para sa mga parmasyutikal na gamot na ibinibigay sa mga claimant ng FECA. Maaari ring pamahalaan ng Optum ang pag-iiskedyul at paghahatid ng matibay na medikal na kagamitan, mga medikal na supply, at mga diagnostic na serbisyo para sa pinsala ng claimant na nauugnay sa trabaho.
Ang mga claimant ng FECA ay KAILANGANG gamitin ang card ng benepisyo sa parmasha ng Optim/FECA para sa mga resetang nauugnay sa pinsala. Wala nang iba pang card ng benepisyo ng parmasya ang kikilalanin para sa pinsala sa kompensasyon ng mga pederal na manggagawa ng claimant. Kailangan ang paggamit ng programa ng parmasya ng Optum/FECA at ang network ng parmasya; kung hindi, ang pagbabayad ng mga gamot para sa pinsalang nauugnay sa FECA ay hindi aawtorisahan sa parmasya. Boluntaryo ang paggamit ng Optum/FECA para sa paghahatid sa tahanan, matibay na medikal na kagamitan, mga medikal na supply at mga dagdag na serbisyo.
Para makuha ang impormasyon tungkol sa kanilang mga benepisyo sa parmasha, dapat i-access ng mga claimant ng FECA ang Portal ng Claimant sa PBM sa pamamagitan ng pag-log in muna sa Portal ng mga Operasyon at Pamamahala ng Kompensasyon ng mga Empleyado (ECOMP), at pagkatapos ay pag-access sa link sa pamamahala ng mga benepisyo sa parmasya. Ang mga claimant ng FECA ay kailangang nakarehistro sa ECOMP upang ma-access ang Portal ng Claimant sa PBM. Ang mga claimant ng FECA ay makakapagsaliksik sa mga parmasyang nasa network, at marerepaso ang mga reseta sa pamamagitan ng Portal ng Claimant sa PBM. Ang mga welcome packet at card sa parmasya ng Optum na nagbibigay ng impormasyon na nauugnay sa mga benepisyo sa PBM ng FECA ay ipapadala sa mga claimant ng FECA. Gayunpaman, ang mga claimant ay may kakayahang makakuha ng larawan ng card ng parmasya sa pamamagitan ng ECOMP. Ang mga claimant ng FECA ay maaaring tumawag sa 1-833-FECA-PBM (1-833-332-2726) para sa higit pang impormasyon o kung mayroon kang anumang mga tanong.
Ang mga PBM card ay may petsa ng pagkabisa sa gitna ng card ng parmasya sa pagitan ng mga sagisag ng Optum at DOL, gaya ng ipinapakita sa sampol na card ng parmasya sa ibaba:
Ang mga reseta ay aawtorisahan sa parmasya sa o pagkatapos ng epektibong petsang nakalimbag sa card ng tumatanggap maliban kung ang Optum card na kamukha ng sampol sa itaas ay iprinisinta sa kalahok na parmasya. Kung ang mga claimant ay may mga refill na makukuha sa hindi kalahok na parmasya, maaaring mailipat at tanggapin ng kalahok na parmasya ng Optum/FECA ang mga natitirang refill. Ang mga claimant ay maaaring magsaliksik ng mga kalahok na parmasya sa web (ecomp.dol.gov) o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Optum sa 1-833-FECA-PBM (1-833-332-2726). Kailangan ang paggamit ng programa ng parmasya ng Optum/FECA para sa lahat ng claimant ng FECA.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang Mga Bulletin ng FECA 21-07 at 22-02 "Bagong Sistema ng Pamamahala ng mga Benepisyo ng Parmasya sa FECA" at "Mga Bagong Patakaran sa Pamamahala ng Reseta ng Parmasya ng FECA."