English Español Tagalog (Pilipinas)

Pederal na Programa ng Kompensasyon ng mga Empleyado

Ano ang Susunod na Aasahan

Ngayong mayroon ka nang numero ng iyong claim, ang page na ito ay nagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa kung ano ang susunod na aasawan at makakatulong sa iyong maunawaan ang proseso ng mga claim. Ang iyong kaso ay napapailalim sa isa sa dalawang kategorya, gaya ng inilalarawan ng mga aytem 1a at 1b sa ibaba:

Isa

Ano ang status ng aking claim sa kasalukuyan?

1a): Ang iyong claim ay isinara sa pang-administratibong paraan. Habang nasa status na ito, maaari ka pa ring tumanggap ng medikal na paggamot sa pamamagitan ng OWCP para sa iyong pinsala sa trabaho hanggang sa halagang hindi lalampas ng $1500. Kung naniniwala ka na ang iyong mga medikal na bayarin ay lalampas ng $1500, dapat kang magsumite ng report mula sa kuwalipikadong doktor1 na naglalaman ng 1) paglalarawan ng iyong pinsala sa trabaho, 2) medikal na diagnosis, at 3) paliwanag kung paano ang iyong medikal na kondisyon ay idinulot ng (mga) nai-claim na kaganapan sa trabaho. Maaaring kailanganin din ang iba pang impormasyon, gaya ng napagpasyahan ng claims examiner (tagasuri ng mga claim) ng OWCP.

O

1b): Kasalukuyang binubuo ang iyong claim. Kailangan ang karagdagang katibayan para matanggap ang iyong claim. Para matanggap ang iyong claim, dapat kang magsumite ng report mula sa isang kuwalipikadong doktor1 na naglalaman ng 1) paglalarawan ng iyong pinsala sa trabaho, 2) medikal na dyagnosis, at 3) paliwanag ng kung paano ang iyong medikal na kondisyon ay idinulot ng (mga) nai-claim na kaganapan sa trabaho. Maaaring kailanganin din ang iba pang impormasyon gaya ng napagpasyahan ng claims examiner ng OWCP. Kung nag-file ka ng claim na CA-1 para sa traumatic injury at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon (iyon ay, sa loob ng 7 araw kasunod ng petsa ng pinsala), maaari kang humiling ng Form CA-16 na Authorization for Examination and/or Treatment (Awtorisason para sa Eksaminasyon at/o Paggamot) mula sa iyong nagpapatrabahong ahensya.

1 Tingnan ang: 20 C.F.R. §10.5(v) at 20 C.F.R. §10.310

Dalawa

Paano ko maisusumite ang dokumentasyon sa OWCP?

Para magsumite ng dokumentasyon na nauugnay sa iyong kaso, maaari mong i-upload sa elektronikong paraan ang impormasyon sa file ng iyong kaso gamit ang bahagi ng Pagsusumite ng Dokumento sa Pamamagitan ng Web (WEEDS) ng Employees' Compensation Operations and Management Portal (ECOMP, Portal ng mga Operasyon at Pamamahala ng Kompensasyon ng mga Empleyado) ng OWCP. Ang mga instruksyon sa pag-upload ng impormasyon sa file ng kaso ay matatagpuan sa home page ng ECOMP. Maaari ring gamitin ng iyong doktor ang ECOMP para magsumite ng mga medikal na report sa iyong file.

Maaari mo ring ipadala ang impormasyon sa: U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311. Gaya ng anumang kasong ipinapadala mo sa OWCP, mangyaring isulat ang numero ng claim sa bawat pahina, magpadala lamang ng mga kopya walang nakasulat sa likod, at siguraduhing magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.

Tatlo

Saan ko mahahanap ang impormasyon sa aking claim?

Maaari mong tingnan ang iyong kaso, kasalukuyang status ng anumang mga claim sa kapansanan o mga medikal na bayarin na isinumite sa iyong claim, o iba pang impormasyon sa pamamagitan ng Dashboard ng ECOMP.  Para sa tulong sa pagpaparehistro o paggamit ng ECOMP, tingnan ang aming mga video tutorial. Para ma-access ang impormasyon tungkol sa iyong (mga) claim sa FECA(), kailangan mong beripikahin ang iyong pagkakakilanlan sa ECOMP pagkatapos mong magparehistro para sa account. Ang tab na "IDENTITY VERIFICATION" ("PAGBERIPIKA NG PAGKAKAKILANLAN") sa ilalim ng para sa "INJURED WORKER" ("NAPINSALANG MANGGAGAWA") ay may kasamang impormasyon sa pagberipika ng pagkakakilanlan. Ang mga elektronikong komunikasyon ay mas mabilis kaysa sa mga papel na komunikasyon, kaya hinihikayat namin na maberipika mo ang iyong pagkakakilanlan sa ECOMP. 

Apat

Saan ko mahahanap ang higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng mga claim?

Ang Portal ng Stakeholder na Claimant at Kinatawan sa aming website ay naghahandog ng mga link sa pangunahing impormasyon sa mga bagong claim at mga sagot sa mga madalas itanong, kasama ang iba pang makakatulong na impormasyon tungkol sa proseso ng mga claim. Mahahanap mo rin ang link sa page na iyon kung saan maaari kang magparehistro para makatanggap ng pana-panahong update sa email tungkol sa pangkalahatang balita sa programa sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa aming listahan ng mga subscriber. Mangyaring tandaan na ang komunikasyon na partikular sa claim ay karaniwang laging ipinapadala sa iyo sa address ng iyong tirahan na ibinigay mo sa iyong claim form.