Mahalaga! Ang dokumento o webpage na ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga serbisyong ibinibigay ng Office of Federal Contract Compliance Programs, o OFCCP. Ipinapatupad ng OFCCP ang mga batas na pumuprotekta sa mga manggagawa mula sa diskriminasyon sa trabaho at pagbabayad. Maraming mapagkukunan ang ahensya na nagpapaliwanag ng mga karapatan ng manggagawa at kung paano maghain ng reklamo para gamitin ang mga karapatang iyon. Mahalagang maunawaan mo ang impormasyon sa dokumento/page na ito, at libre naming ibibigay sa iyo ang impormasyon sa gusto mong wika. Para humiling ng mga serbisyo sa pagsasalin o interpretasyon, mag-email sa amin sa OFCCPLanguageAccess@dol.gov online o tumawag sa 1-800-397-6251.