DOL Seal - Link to DOL Home Page

Wage and Hour Division (WHD)

Press Releases

U.S. Department of Labor
Wage and Hour Division
Release Number: 12-588-SAN (SF-67T)

Date: 

April 5, 2012

Contact: 

Deanne Amaden, Jose A. Carnevali

Phone: 

415-625-2630, 415-625-2631

Ang Dibisyon ng Sahod at Oras ng Kagawaran ng Paggawa (Wage and hour Division of the Department of Labor) ng Estados Unidos ay nagsagawa ng inisyatiba na mapatatag ang batas sa paggawa na alinsunod sa industriya ng konstruksyon ng Guam (Tagalog version)

Pagtutuunan ng pansin ng inisyatiba ang mga proyekto na may pondo ng pamahalaan

HAGATNA, Guam -- Ang Dibisyon ng Sahod at Oras ng Kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos ay naglunsad ng isang inisyatiba ng pagpapatatag na pinagtutuunan ng pansin ang industriya ng konstruksyon ng Guam upang maparami ang mapasunod na mga employer at ipaalala sa mga manggagawa ng konstruksyon, kasama na iyong mga nakuhang magtrabaho sa ilalim ng H-2B pansamantalang programa ng mga manggagawang hindi imigrante, ukol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng Fair Labor Standards Act, ang Davis-Bacon and Related Acts, at ang Contract Work Hours and Safety Standards Act

Nilalayon ng inisyatiba na itaguyod ang patuloy na pagsunod, lalo na sa mga kontraktor at mga subkontraktor na nagtatrabaho sa mga pinopondohan ng pamahalaan na mga proyekto ng konstruksyon sa Guam, pero kasama rin dito ang mga pag-imbestiga sa iba pang mga proyekto ng konstruksyon. Ang mga imbestigador ng Dibisyon ng Sahod at Oras - na karamihan ay nagsasalita ng Tagalog, Mandarin at iba pang wika bukod sa Ingles - ay makikipanayam sa mga empleyado at magsasagawa ng mainam na mga pagrerepaso sa mga pamamalakad sa pagkuha sa trabaho, mga talaan ng suweldo at mga pagkakataon ng pinagsamang pagkuha sa trabaho upang makilala at malunasan ang mga paglalabag.

Ang mga karaniwang paglalabag na natuklasan sa mga proyekto ng konstruksyon na pinondohan ng konstruksyon ay kinabibilangan ng mga maling pag-uuri sa mga manggagawa at mekaniko tulad nang hindi pagkakasali sa FLSA; ang kabiguang magbayad sa mga empleyado para sa lahat ng mga oras na natrabaho, kasama na ang oras ng biyahe at mga gawain sa paglilinis; kabiguang bayaran ang hinihiling na nananaig na suweldo at mga palawit na mga benepisyo o "fringe benefits” (kasama na ang obertaym); at hindi sapat na pagtatabi ng mga talaan ng mga oras ng trabaho at suweldo ng mga empleyado.

Ang Guam ay dumaranas ng biglang dumaming mga proyekto ng konstruksyon na pinondohan ng pamahalaan bilang paghahanda sa paglilipat ng lokasyon ng U.S. Marines mula sa Okinawa, Japan. Ang paglilipat ng lokasyong ito ay isa sa magiging pinakamalaking pagkilos ng mga militar sa lumipas na ilang dekada at kinakailangan ang mahusay na paggawa ng mga imprastraktura, kabilang na ang mga bagong konstruksyon at pagpapaganda sa mga daanan at mga highway, mga tulay, mga gumaganang pasilidad sa pagsasanay, mga pasilidad ng hukbong pandagat at iba pang mga proyekto ng base tulad ng pabahay sa pamilyang militar.

“Ang makasaysayang muling pagtatalaga ng militar at pagpapaunlad sa Guam ay maisasakatuparan sa pamamagiran ng pagtrabaho ng libo-libong mga lokal na manggagawa ng konstruksyon," sabi ni Ruben Rosalez, ang kumikilos na administrador ng Dibisyon ng Sahod at Oras sa Kanlurang Rehiyon. “Ang dibisyon ay may pananagutan sa pagtitiyak na ang mga manggagawa na ito ay bayad ng kanilang karapat-dapat na suweldo at benepisyo alinsunod sa batas. Ang Dibisyon ng Sahod at Oras ay nagsisikap sa ilang mga estratehiya sa ilalim ng inisyatiba ng pagpapatupad upang matiyak na ang mga dolyar ng mga nagbabayad ng buwis ay mainam na ginagamit sa mga proyekto ng konstruksyon na pinopondohan ng pamahalaan, at upang itaguyod ang patuloy na pagsunod sa mga pamantayan sa paggawa kung saan may responsibilidad ang dibisyon na mapatupad sa Guam."

Kapag may natuklasang mga paglalabag, gagamitin ng dibisyon ang lahat ng mga handang magamit na kagamitan sa pagpapatupad - kasama na ang pagdedemanda, multang salapi, mga na-liquidate na pinsala at pagbabawal mula sa mga oportunidad na makakontrata ang pamahalaan sa hinaharap - upang makuha muli ang mga suweldo ng mga mangagawa, matiyak ang may mag-ako ng panangutan sa mga may responsibilidad na mga panig at mapigil ang hinaharap na mga paglalabag.

Humihingi din ng tulong ang mga imbestigador sa mga lokal na kapartner - kasama na ang Kagawaran ng Paggawa ng Guam at ang Asosasyon ng mga Kontraktor sa Guam (Guam Contractors Association) - upang matulungan ang dibisyon na makilala at matugunan ang mga lokal na huwaran ng hindi pagsunod. Dagdag pa dito, humihingi ng tulong ang dibisyon mula sa mga manggagawa, employer, mga samahan sa industriya, mga samahan sa komunidad, mga konsulado at iba pang mga stakeholder upang ipagbigay-alam sa kanila ang ukol sa inisyatiba, magkaloob ng tulong upang makasunod at ipakita ang kanilang paglahok sa pagtataguyod ng pananagutan at pagsunod sa buong industriya.

Hinihiling ng FLSA na ang mga nasasaklawan na mga empleyado ay bayaran ng kahit man lamang minimong sahod ng pamahalaan na $7.25 kada oras, at pati na rin ang isa't kalahating beses na laki ng kanilang mga regular na presyo para sa bawat oras na kanilang matrabaho na humigit sa 40 kada linggo. Ayon din sa batas, dapat magtabi ang mga employer ng mga wastong talaan ng mga suweldo, oras at iba pang kundisyon sa pagtrabaho ng mga empleyado, at ipagbawal sa mga employer na gumanti laban sa mga empleyado na ginagamit ang kanilang mga karapatan ayon sa batas.

Hinihiling ng Davis-Bacon Act na lahat ng mga kontraktor at mga subkontraktor na nagtatrabaho sa mga proyekto ng pamahalaan at mga pinopondohan ng pamahalaan na bayaran ang kanilang mga manggagawa at mekaniko ng wastong presyo ng suweldo at mga benepisyo tulad nang napagpasyahan ng kalihim sa paggawa (secretary of labor). Dagdag pa dito, hinihiling ng Contract Work Hours and Safety Standards Act na lahat ng mga kontraktor at subkontraktor ay magbayad sa mga manggagawa at mekaniko ng isa’t kalahating beses ng kanilang batayang halaga para sa lahat ng mga oras na natrabaho na humigit sa 40 sa isang linggo.

Ang H-2B visa na programa ay nagpapahintulot sa mga employer na pansamantalang kumuha ng mga hindi imigranteng mga taong magtratrabaho ng mga hindi pang-agrikulturang gawain o serbisyo sa Estados Unidos. Hindi tulad ng iba pang bahagi ng Estados Unidos at mga teritoryo nito, kung saan ang pagkakaloob ng mga sertipiko sa paggawa at ang pagpapatupad ng H-2B na programang visa ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos, at ang H-2B na programa ay pinangangasiwaan sa Guam ng gobernador ng Guam sa ilalim ng mga regulasyon ng Homeland Security. Samakatuwid, sa inisyatibong ito, ang Dibisyon ng Sahod at Oras ay hindi mapapatupad ang H-2B na mga regulasyon na natagpuan sa 20 Code ng Federal Regulations 655 Subpart A; gayunman, kinikilala ng dibisyon na ang mga H-2B na manggagawa ay partikular na mahina at malapit na makikipagtrabaho sa Kagawaran ng Paggawa ng Guam upang matiyak na ang mga employer ay nakakasunod sa lahat ng mga batas na lokal at pederal.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga batas pederal sa suweldo, tumawag sa walang bayad na helpline ng Dibisyon ng Sahod at Oras sa 866-4US-WAGE (487-9243) o sa Guam Field Office nito sa Hagatna sa 671-473-9178. May makukuha ding impormasyon sa http://www.dol.gov/whd.

###


U.S. Department of Labor releases are accessible on the Internet at www.dol.gov. The information in this news release will be made available in alternate format (large print, Braille, audio tape or disc) from the COAST office upon request. Please specify which news release when placing your request at (202) 693-7828 or TTY (202) 693-7755. The Labor Department is committed to providing America’s employers and employees with easy access to understandable information on how to comply with its laws and regulations. For more information, please visit www.dol.gov/compliance.